Step-by-Step Glow Up na Ginawa KO at Baka Magamit MO

  1. Una sa lahat, naging mabango muna ako. Personally, gusto ko yung baby scents, at effective siya. Lagi akong nasasabihan ng mga kaklase ko at random na tao ng:

"Uy, teh, bango mo! Amoy baby ka." "Amoy elem na naaalagaan." "Amoy newborn ka."

Isang beses pa nga, may stranger sa school na lumapit lang para itanong kung anong pabango ko. Tapos hinu-hug pa ako minsan ng mga kaklase kong girls kasi ang bango nga raw ('di ako comfy tbh pero sige HAHAHA cute nila). Kaya yeah, matuto kang maging mabango.

  1. Piliin mo yung hairstyle na bagay sa’yo. Check mo rin kung ano yung uso, minsan bagay, minsan hindi. Ako, isa akong panginoo kaya nagbangs ako at hindi ko na siya tinantanan. Mga tatlong taon na ata akong may bangs. Minsan gusto ko ng wolfcut, tapos babalik sa normal na tuwid na cut. Basta, magulo ako.

  2. Ayusin mo kilay at pilik-mata mo. Grabe, dati ang kapal ng kilay ko, parang bulbol na tumubo sa taas ng mata. Kaya inaral ko kung paano magbunot at mag-ahit. Ngayon, kitang-kita ko na yung difference sa dati kong kilay. Gumagamit ako ng clear eyebrow gel kada may lakad ako at kapag papasok sa school. Lagi na nila ko nasasabihan na "Ganda kamo ng kilay mo." Sheesh♡ Kung manipis naman kilay mo, aralin mo siguro magdrawing drawing at alamin 'yung shape na bagay sa'yo.

Sa pilik-mata, medyo blessed ako kasi mahaba sa'kin, minsan nagpapa-lash lift ako pero nung narealize ko na ang hassle at ang gastos rin tapos baka makalbo 'pag panay nalalagyan ng ganun katapang na chemicals, nag-stick na lang ako sa curler saka mascara.

  1. I-achieve mo ang gusto mong complexion. May mga taong bagay ang light skin, may iba namang mas glowing kapag tanned. Ako, gusto ko lang medyo lighter, pero hindi naman todo. Minsan lang ako gumagamit ng Brilliant Skin whitening (medyo broke ass mf ako eh), pero it works for me naman.

  2. Mag-workout. Kahit ano pa body type mo, mas gaganda ‘yan kapag nagwo-workout ka. Dati akong gym girlie, nalilito pa nga ako kung gusto ko bang maging muscle mommy o pilates princess. Pero feeling ko mas achievable sa genes ko yung muscle mommy?

Nag-stop na ako sa gym (medyo pricey rin kasi), kaya ngayon naglalakad-lakad na lang kami ng mama ko tuwing hapon at nag-e-elliptical trainer. Hindi ko na alam kung ano body type ko ngayon, payat? mataba? Ewan. Basta, I feel really good.

  1. Magsoundtrip ng feel-good songs at sabayan mo ng kanta. Nag-improve na boses ko, nagka-confidence pa ako. May iba’t ibang playlist ako depende sa mood, including pang-uplift ng self, pero di ko na isheshare, baka ijinxx niyo pa. (O baka ishare ko kapag sinendan niyo ko ng GCash, char XD). Itong mga smeggsy songs ginagamit ko rin habang nagwoworkout at saka kapag pupunta ko sa isang social event para mapaghandaan ba, parang pampa-boost lalo.

  2. Maging mabuting tao. Ewan ko, pero kapag nagpapakabait ako, parang gumagaan lahat. Dapat genuine yung bait mo. Kapag hindi ko feel gumawa ng kabutihan, ‘di ko na lang ginagawa kaysa maging plastik pa. Ang sarap sa pakiramdam kapag nakakatulong ka sa iba at nakakapagpasaya ka.

  3. Humor. Nung grade 9 ako, sinabihan ako ng kaklase kong si Qu***** na, “Bakit ganon, nakakatawa naman yung joke mo pero hindi nakakatawa pag ikaw nagsasabi?” I was like goddamn man ganun ba talaga kabaduy pagkatao ko🥹Pero ngayon, ambilis nang matawa sakin ng mga tao kahit minsan hindi naman na talaga nakakatawa yung sinasabi ko😆😆

  4. Magpaputi ng ngipin. Ewan, pero ang ganda talagang tingnan ng white teeth. Ginagamit ko ngayon yung Colgate Optic White, pero pag nakaluwag-luwag, bibilhin ko yung Luster chuchu whitening sa TikTok Shop.

  5. Medyo social media detox. Umalis ako sa Facebook at Instagram kasi naiinggit lang ako sa mga tao dun. The moment na umalis ako, ang saya ko na. Hindi ko na nakukumpara sarili ko sa iba.

Ngayon, Reddit at TikTok na lang ang social media ko:

Reddit: IDGAF sa mga tao dito, kahit gaano pa kayo kasuccessful or kaganda, ‘di ako naiinsecure kasi ‘di ko naman kayo kilala.

TikTok: Hindi naman sa pagmamayabang, pero maganda ang FYP ko. Puro glow-up tips, memes (aircon & kanal humor), music, drawing, reading, Bojack Horseman, hopecore, outfit ideas, productivity, at kung anu-ano pang nakakatulong sa self-improvement ko.

  1. Piliin mo yung clothing style na bagay sa’yo. Ikaw na bahala kung gusto mo ng coquette, old money, street style, y2k, etc. Ako, medyo grunge, pero hindi totally. Lagi akong naka-black kasi dito ako pinaka-confident. Pakiramdam ko parang ang Lati-Latina ako ‘pag naka-black, tapos nakakaslim pa tingnan, sheeshable.

Pwede mo ring i-base sa astrology ang aesthetic mo:

Venus Sign → Aesthetic at fashion style mo Rising Sign → Para sa face glow-up Mars Sign → Para sa body goals mo

(For fun lang ba, walang masama kung susundin lol)

  1. Magdasal. Or kung ano man tawag niyo sa higher being niyo. Dati akong atheist, pero ngayon hindi na. Hindi pa rin ako sobrang religious, pero naniniwala na ulit ako kay God.

Pinagdasal ko dati: "Lord, nakakasawa na po maging panget. Baka naman po?"

Ayan, dininig Niya. :))

Sa tingin ko, may dahilan lahat. Siguro kaya ‘di ako nabiyayaan ng genetics lottery kasi gusto ni God na matuto muna akong maging genuine na matinong tao, at para hindi ako ma-teenage pregnancy dahil sa totoo lang isa akong teenager noon na may medyo kataasang sex drive.

Bonus Tip: Nakita ko 'to sa TikTok, itrato mo raw ang sarili mo na parang customizable avatar o character. Realest advice ever. May tatlo akong tattoo at isang piercing. Bet na bet ko talaga ang tattoo, at buti na lang napapayag ko mother ko, pero last na daw 'to kasi masasabunutan na ako. Sa piercing naman, tinry ko lang pero di ko siya trip kasi sumasabit tuwing nagsusuklay ako.