My father really hates my boyfriend

Problem/Goal: Noon pa ayaw ng tatay ko magbf ako and he's still whining about how I shouldn't have entered a relationship. 22 years old na ako nagkaroon ng bf (which is yung bf ko pa rin until now, turning 5 years na kami). Nakakapunta-punta naman bf ko and kasama siya sa family gatherings dati, until nadiscover accidentally ng papa ko na may nangyari na sa amin ng bf ko. From then on, grabe yung galit ng tatay ko sa kanya na na-ban si bf sa bahay.

May times na nagpupunta pa rin si bf sa house with my family's permission (except sa papa ko) kaya we would turn off the CCTV kapag pupunta siya.

Ngayon, everyday nagrereview ng CCTV tatay ko para tignan kung nagpupunta si BF sa house. He even lists down kung anong time nawawala yung CCTV. 'Di ko na alam parang pakiramdam ko naoobsess na siya masyado.

Kinausap ko mom ko na gusto ko na lumipat sa apartment kasi I feel like I'm walking on eggshells sa loob ng bahay and lagi na lang ako lumalabas para lang makapagkita kami ng BF ko. Ayaw pumayag ng mom ko na mag-apartment ako, pabayaan ko raw ang tatay ko dahil gusto ni mama unahin kong pag-ipunan yung pangarap kong business baka lalo raw ako 'di makapag-ipon ng puhunan at 'di raw dapat ako magpaapekto na pinapalayas ako ni papa dahil mas malaki parte ni mama sa bahay (fyi, mas malaki income ni mama) at siya raw ang nagsikap pagtapusin kami ng pag-aaral kaya madali lang kay papa ipagtabuyan ako.

Idk, I just feel like ramdam ng father ko na wala siyang authority sa bahay masyado kasi mas nasusunod si mama. Nakahanap siya ng mapag-exertan ng authority which is kami ng bf ko kaya kami ang pinag-iinitan niya.

Kung kayo nasa sitwasyon ko, anong gagawin ninyo?