I ended my own wedding dahil sa pakialamerang soon mother-in-law ko
Hi! I decided to end my wedding dahil punong-puno na ako sa soon MIL ko. 9 years kaming mag couple ng ex bf ko since high school. 2 yrs engage. Kahit noong mag gf-bf palang kami ng anak niya, dami niyang pangaral samin. To the point wala kaming masyadong memories on that 9yrs kasi napaka strict niya sa anak niya. Kahit gala ng bf ko w/his friends at nagagabihan ng uwi ako pa papagalitan ng mama niya kasi bakit hindi ko raw pinauwi ng maaga.
Inintindi ko siya noon kasi I get it magulang siya protective lang. Pero... Kahit sa wedding preparation namin ng ex fiance ko makikialam siya?!! Yung mga gusto ko, ayaw niya kasi kabaliktaran yung gusto niya sa gusto ko. Ang nakakatawa pa dun siya pa namimili sa motif at theme ng wedding ko. Na in the first place mas malaki pa nga financial contribution ko sa wedding plans namin kaysa sa anak niya. Lalo na siya ni centavo walang ambag. So hindi ko maintindihan saan niya nakukuha yung lakas ng loob para mangialam?!!
Okay lang sana if nag su-suggest siya. Pero hindi e. One time nag dress fit kami for my wedding gowns. Yung pinili ko ayaw niya. Ang gusto niya dapat ang nasusunod. Ang ending napuno na mama at lola ko sinabihan na siya na siya "Kung ikaw nalang kaya ang ikasal sa anak mo? Kasi panay pakialam ka e" Antagal nanahimik ng mama at lola ko. Pero that time hindi na nakapag timpi.
Hindi pa diyan nagtatapos. Akala namin titigil na siya. Balak namin 50 pax lang kasi kunti lang naman friends and relatives namin both side. Pero itong si MIL gusto 200 pax kasi yung mga co-teacher daw niya pati principal sa school niya i-invite niya. Nung sinabihan ko na hindi pwede kasi 50 pax lang, ayun nagalit kasi pinagdadamutan ko daw siya. Blessing daw yung event so dapat ibigay ng todo.
At that time napuno na talaga ako. I told my ex fiance na ayoko na kasi nakikita ko na ang mangyayari kapag maging MIL ko ang mama niya. Hindi gaganda ang marriage life namin kahit bumukod pa kami in the future kasi siya yung tipong kahit i-cut off mo na pilit ipagsisiksikan ang sarili at makikialam.
Walang problema sa ex fiance ko. Parati niya akong pinagtatangol sa mama niya kaya siguro nagseselos mama niya saakin kasi palagi raw ako yung kinakampihan. Umabot pa nga dati sa punto na gusto ng umalis ng bf ko sa bahay nila dahil sa attitude ng mama niya pero hindi natuloy kasi nakiusap mama niya saakin na kausapin ko daw bf ko na huwag ituloy.
Though nasasaktan ako kasi mahal na mahal namin ang isa't-isa. Hanggang ngayon sinusuyo ako ng ex ko. Pero I fully decided na ayoko na. Kasi in married life hindi lang naman kayong dalawa ang naging united kundi both of your families. So kung hindi maganda relationship namin ng mama niya. Ma aapektuhan kaming dalawa.