I regret taking up Fine Arts
Dati nung mas bata pa ako I thought choosing a career that I was passionate about would make me happy pero now na I'm older na realize ko na mas okay yung financial stability. It's just like falling in love with someone when you're both broke. Yung sabi nila na "when poverty knocks, love flies out the window". Kahit gaano mo pa kamahal yung job na yan when it doesn't make money you'll feel burnout and lose passion.
I'm in my 20s and graduate ng Fine Arts. And I regret taking up this course. It makes me sad seeing that so many people aspire to career shift as a creative without knowing na it feels hopeless nowadays makakuha ng job na may sapat na income in the creative field.
Dati nakapagwork naman ako as a digital artist sa isang game company. Pero yung workload ko is nakakapagod tas below 20k pa yung sahod. Di rin naman ako nakakahanap ng promotion opportunities kasi parang napapalitan na kami ng AI. Lahat kami sa company same lang ng sahod wala na yung leader or creative director roles unlike sa mga companies dati. Nagtry na din ako magbenta ng mga anik2 yung mga nasa art markets pero sadly kahit okay yung income dun mas malaki yung table fees.
Nawalan na ako ng hope na i pursue tong career ko sa arts kasi ang hirap talaga kumita ng pera. Dati kasi nung mga pre-pandemic may mga friends ako na kumikita ng 200k monthly as freelance artists kaya naisip ko may opportunity pala na ganun. Pero ngayon feel ko talaga parang wala na kasi pati sila struggling na din. Gusto ko mag career shift pero yun nga lang wala akong college degree na useful at sana nag Business Administration na lang ako. To be fair, while choosing my course sa college di ko talaga alam anong career opportunities ang meron yung ibang courses. (wala kasi kaming career orientation chuchu dati and as an introvert from a small town na di rin ganoon ka tech savvy back then wala akong mapagtatanungan kasi lahat nirereccomend saki mag educ na lang)
Anyways, to career shifters out there na di nakapagtapos ng college or may useless din na course ano ba ginawa niyo?