Red flag daw husband ko dahil mas pipiliin niya ako kesa sa anak namin

I have a workmate na pregnant ngayon. Out of nowhere nagtanong siya samin na mga may anak na if napag-usapan daw ba namin ng mga partners namin if sino pipiliin kung sakali na may complication.

Sila raw kasi ng bf niya, pipiliin daw nila ung magiging anak nila na mabuhay kesa sa kanya. Gusto raw kasi nilang mabigyan ng chance ung baby na mabuhay at maexplore ung mundo.

Napag-usapan din namin 'to ng husband ko before nung 1st pregnancy ko. Ung asawa ko, ako raw pipiliin niya kesa sa baby. Ang reason niya, pwede naman daw ulit mag-anak or mag-adopt pero hindi na raw niya ako pwede mapalitan. Baka hindi niya rin daw maalagaan ng maayos ung bata kung sakali dahil sa lungkot ng pagkawala ko. Choice ko rin na buhayin ang sarili ko and i-let go ung baby. Ayoko lumaki ung bata na walang nanay at ayokong iwan mag-isa ung asawa ko.

Nung narinig nung officemate ko ung reason ng asawa ko, najudge na agad nila na kesyo red flag daw and sign daw yun na hindi siya mabuting ama. Ang selfish daw nung reason ng asawa ko para unahin ako kesa sa batang wala pang muwang sa mundo.

Nakakairita lang, ang bilis manghusga ng mga tao dahil lang sa mga choices sa buhay, kung tutuusin wala namang mali sa kung sino ang pipiliin mo, basta ung kaya mong mapanindigan sa dulo. My husband is the best father! Wala akong masasabi kung gaano siya kahands on sa dalawang anak namin.